Ako si James Carl salisi. Isang mapagmahal na tao. Meron akong kasabihan na " huwag husgahan ang lalake sa taba ng kanyang bulsa. sa halip, ang dapat ninyong tingnan ay ang taba ng kanyang puso at ang taba ng kanyang isipan.
Biyernes, Enero 31, 2014
Ngayong araw na ito ang pinakamasakit na nangyari sa aking buhay dahil kinaumagahan ay hindi ko maimulat ang aking mata dahil sa sakit ng akong malaking kilitiw sa kaliwang bahagi ng aking mata.. Akala ko magaling na ito ngunit binigyan ako ng aking lola ng isang herbal na gamot para ilagay dito at naging maganda naman ang kinahinatnan dahil pagdating ng hapon ay unting unti naalis ang sakit ngunit paga pa rin ang kanyang itsura kaya naman ay dadaanin na lamang sa dasal upang malagpasan ko ang sakit na ito.. Pasensya na kung masyadong maikli ang aking paglalarawan sa araw na ito sa kadahilanang hindi ako makatagal sa pagtitig dahil medyo masakit pa rin ito..
Miyerkules, Enero 29, 2014
Ito ang araw na pinakamalas na nangyri sa buong buhay ko sa kadahilanang pagkamaga ng aking mata.. Sabi sa akin ng kapatid ko ay para daw akong nabugbog dahil sa sobrang pagkamaga ng aking mga mata. Noong lunes, hindi naman siya masakit ngunit ng dumaan ang mga araw hindi ko na napapansin na namamaga na pala ito.. Kaya pala kapag pipikit ako ay sobrang sakit. Kaya ngayon nakasuot ako ng salamin at nag gagawa ng takdang aralin sa Oralcom. Kailangan ko itong gawin ng mabilis dahil ipapasa na ito kinabukasan kaya naman kahit magang maga na ang aking mata ay pinilit ko itong gawin at tapusin. Kahit na nananakit na ay patuloy ko pa rin itong ginawa. At ngayong tapos na, kailangang ko ng ipahinga ang mga ito.
Martes, Enero 28, 2014
Ngayong araw na ito, nais ko sa inyong ipahayag ang mga pangyayari sa akin ngang araw na ito. Kinaumagahan ay gumising ako ng maaga akala ko ay maganda na ang aking gisibg ngunit hindi. Naramdaman ko na ang aking mata ay masakit, habang ipinipikit ko ito ay sumasakit. Nagmadali akong kumain, naligo at nagbihis dahil kailangan kong pumasok ng maaga para maiwasang mabawasan ang aking puntos. Nang ako ay nasa paaralan na ay agad akong nag paprint dahil akala ko ay mag kakaroon kami ng isang maikling pagsusulit. Bago dumating ang aming guro na si Mr. Milano ay inayos na namin ang aming mga gagamitin sa pag gawa ng canape at sandwiches.
Lunes, Enero 27, 2014
Ngayong araw na ito, bentang benta ngayon ang pagkabugbog ni Idol Vhong Navarro. Sa lahat ng channels ay siya ang laman, kung ano ang mga pangyayaring naganap bago at matapos siyang mabugbog. Habang ako ay papasok sa aking pinakamamahal na paaralan, puro Vhong Navarro ang nasa bibig ng aking katabi. Ngunit hindi na ako nakiisyoso dahil malalaman din naman nila ang katotohanan. Nang ako ay dumating na ang aking mga kamag aral ay naghihintay sa harap ng cyberhub. Pagkatapos noon ay agad kaming pumasok sa cold kitchen dahil malapit nang nagsimula ang aming klase sa pahayag. Nang dumating ang aking guro, naghanda na agad ang pangatling magrereport sa unahan at kailangang maghanda sapagkat alam naming nagkakaroon ng maikling pagsusulit. Ngunit mali ang aking pananaw. Nagsagawa si Mam ng mga kailangang dugtungang mga pangungusap at gamitan ng mga karaniwang salita. Nang matapos iyon ay agad kaming umakyat para sa aming susunod na klase. Mga lampas ng labing limang segundo ay wala pa rin ang aming guro kaya't naisipan naming gumawa ng attendance ngunit biglang dumating ang aming guro kaya't napatawa kami. May pinanood sa amin at kailangang gumawa kami ng mga outline base sa mga topic.
Linggo, Enero 26, 2014
Nakakaantok na araw sa inyong lahat. Ngayong araw na ito, nais kong sabihin na ako ay natutuwa at naging inspires dahil naka chat ko na naman ang aking napupusuan. At ngayong araw na ito, kailangan nating magsimba upang malaman natin ang mabuting balita ng ating panginoong diyos. Ng matapos ang pagsisimba ay dinalaw namin ang aking lola sa silangan. Pagkatapos ay agad kaming umuwi dahil marami pang kailangang gawin. Bago magtanghalian, akala ko nung una ay hindi ako makakatulog ngunit nagising ako ng 2 o'clock dahil yata ito sa sobrang lamig. Lagi akong naka jacket dahil sa sobrang lamig ng panahon.
Sabado, Enero 25, 2014
Akala ko ngayong araw na ito ay isang masamang araw para sakin ngunit kabaliktaran pala ang nangyari. Dahil akala ko nung una ay titikim pa rin kami ng mga alak na matatapang ngunit ang naging topic kanina ay tungkol sa pag mimix ng iba't ibang klase ng alak. Bago nagsimula ang aming klase sa hrmbar ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kaso mababa ang nakuha kong puntos kaya naman sinabi ko sa sarili ko na babawi na lang ako sa mga aktibidades na ibibigay sa amin. Nang matapos ang aming pag didiscuss ay pinalabas kami ng maaga para mag tanghalian dahil may gagawin kaming lab base sa aming napag aralan kanina. Ngunit ng ginawa na namin ang mga recipe ay para bang nasarapan ako sa aming huling ininom at ang tawag doon ay ang tequila sunrise.. Akala ko nung una matapang un pero ng una kong tinikman ay agad akong uminom ulit dahil parang cherry ang lasa. Nang matapos ang lahat ay nag yayang nagbadminton si Mam ngunit pinulikat agad si Mam. Ito na yata ang pinakamasayang araw para sakin.
Biyernes, Enero 24, 2014
Ngayong araw na ito, hindi ako nakaalis na bahay dahil pinagbilinan ako ng aking lola na kailangan kong bantayan ang aking kapatid na babae. Dahil nung oras na iyon ay pupuntahan ng aking lola ang aming isa pang lola sa silangan upang gupitan kaya't wala akong magawa kundi sundin ito. Habang hinihintay ang pagbalik ng akin lola, nakinig na lang muna ako ng mga tugtugin sa aking gadget. Ng walang ano- ano'y bilang dating naman ng aking lolo na kagagaling lang sa pagbibiskleta. Habang nakikinig ng mga musika ay para bang bumibigat ang aking mga mata at parang gusto ulit nitong matulog ngunit kailangan kong gumising upang magawa ko ang inaatas sa akin.
Huwebes, Enero 23, 2014
Ngayong araw na ito, ang aking grupo ang pangalawang magrereport tungkol sa paglalahad.. Dahil sa aking pagkakamali, hindi maganda ang kinalabasan nito. At ng inuna ko ang aming report nakalimutan ko tuloy gumawa ng aking diary dahil sa antok hindi ko na nakayanang imulat ang aking mata at tuluyan ng nakatulog. Pagkatapos ng amin presentasyon sa Pahayag, ay nagmadali kaming nag ayos ng mga kakailanganin namin sa oralcom. Akala ko noong una ay medyo magiging madali lang para sa amin ang mag present sa unahan. Nang tawagin ang aking pangalan at ng aking mga kagrupo, biglang bumilis ang tibok ng aking dibdib.. Ang aking kamay ay nangangatog dahil sa kaba.. Ilang beses na rin nila akong sinabihan na "relax lang, chill ka lang james". Ngunit hindi ko pa rin kayang alisin ang takot at kaba kapag nasa harapan ba ako ng klase.. At ng matapos ang oralcom ay gunayak na ang lahat dahil nagpaplano sila sa gagawin nilang pagsusupresa sa isa naming kamag aral na ididiwang ang kanyang ikalabing walong kaarawan.
Martes, Enero 21, 2014
Ngayong araw na ito, ang ikatlong grupo ang nakatoka sa mga gawain ngayon sa HRMCOOK. Bilang isang lider, kailangan kong maging maaga ngunit sa kasamaang palad nalate ako ng walong minuto. Pero hindi iyon naging hadlang sa akin, sapagkat kailangan ko pa ring ayusin ang mga inatas sa aming gawin ng aming guro na si Sr. Milano Torres. Nang matapos ang pag aayos ng mga upuan at kumpleto na ang mga kaklase ko, pinalabas ni Sir ang pangalawang grupo at ang ikatlong grupo sapagkat kailangan nilang mag ayos ng mga sangkap na gagamitin sa pagluto ng pasta at ng vegetable casserole. Nang kami na ang pangalawang kukuha ng pag susulit, hindi ko inaasahan na mababa ang makukuha kong grado ngunit, pagdating naman ng pag aayos ng mga gamit at pag didisiplina ng aking mga kagrupo, kayo na ang humusga. Nang matapos ang aming pagluluto ay nagturo si Sir ng tungkol sa Sandwiches at pina uwi na kami ng maaga.
Lunes, Enero 20, 2014
Isang magandang araw agad ang sumalubong sa akin sa kadahilanang nakita ko agad ang taong nagbigay inspirasyon sa akin ngayon. Nang ako ay nasa iskwelahan, agad akong pumasok sa aking unang subject na PAHAYAG. Nag reporting na ang group 1 at pagkatapos ay binigyan kami ng isang maikling pagsusulit. Nang matapos ang PAHAYAG ay agad kaming umakyat ng pangatlong palapag para sa susunod naming subject na ORALCOM. Akala ko noong una ay ipapasama ang mga recipe na aming gagawin para sa huwebes yun pala ay bibigyan namin si Mam Sulit ng tatlong topic, at saka siya mamimili kung alin sa tatlong iyon ang aming gagawin. At dahil din sa ORALCOM, napag aralan namin ang FLUENCY AND PRONUNCIATION. Lahat kami ay masaya at natututo naman kami sapagkat habang may binabasa kami ay medyo natatawa kami ng konti.
Linggo, Enero 19, 2014
Ngayong Linggo, maaga kaming gumising dahil kailangan naming magsimba at para makinig sa mabuting balita ng ating Panginoong Dyos. Habang kami ay nasa daan, parang ang lugar na aming pupuntahan ay hindi na tanauan kundi ay baguio dahil sa kalamigan at ang lakas ng ihip ng hangin. Nang nasa simbahan na kami, napapansin kong lahat ng tao ay alam ang magiging temperatura kapag umaga kaya't lahat ay naka jacket. Habang nakikining sa mambabasa ay biglang umihip ang malakas na hangin kaya't ang mga dahon ay nadala papuntang loob ng simbahan. Nang matapos ang misa, agad kaming umalis dahi dadaanan pa namin ang aking lola. Halos mamuti na ang aking palad dahil sa kalamigan at may konting ambon pa. Kaya't naisipan kong makinig na lang ng mga tugtugin na nasa sa aking celphone at bago kami umuwi ay napag isipan namin ng aking kapatid na bunso na bumili ng tinapay dahil nagutom ako sa kakalakad. >.<
Sabado, Enero 18, 2014
Ngayong araw na ito ay napakalamig parang tinalo ng enero ang disyembre.. Maaga akong gumusing dahil mayroon akong klase ngayon kaya't nag madali akong kumain, maligo at magbihis. Nang walang ano ano'y umihip ang malakas na hangin at ako ay nagbibihis ngunit nangangatog sa kalamigan. At Kahit anong klima pa yan walang makakapigil sakin dahil kailangan kong pumasok at kuhanan ng grades ngayon araw na ito. Nang ibinigay ang mga grado, nalungkot naman ako sa grado ko. Limang Line of 7 pero sa mga line of 7 na iyo ang bumagsak ako. 71 ang grade ko sa PRINMAR kaya't nangako akong mas gagalingan ko na ngayong midterm at final. Kahit gaano kahirap ang mga tinuturo kailangan ko pa ring magpursige para maabot ko ang mga pangarap ko at hindi kaagad ako susuko dahil lang bumagsak ako.. Kailangan ko pang pagtuunan ng pansin ang PRINMAR kahit na minor ito.
Biyernes, Enero 17, 2014
Ngayong araw na ito, ikaw 17 ng Enero, ay maaga akong gumising at nagmamadaling kumilos dahil kami ng aking tiyo ay pupuntang maynila para bumili ng generator. Nang nakasakay na kami ng bus ay agad kaming umupo dahil iilan na lang ang natitirang upuan na bakante. Habang kami ay nabiyahe, narinig ko ang pinaka paborito kong kanta at nang makarating kami sa aming pupuntahan ay dumaan muna kami sa opisina ng aking tiyo. Nang matapos ang magpacheck up ay niyaya niya akong kumain kaya't napilitan akong pumili ng pagkaing aming kakainin. Nang matapos ay agad kaming umalis dahil malayo pa ang aming pupuntahan. Sumakay kami ng dyip papuntang quiapo dahil doon titingin ng generator na aming bibilhin. Habang kami ay naglalakad, may napansin akong bata na umaaligid sa amin ng aking tiyo at natuklasan ko ang modus operandi ng bata. Gusto niyang halbutin ang bag ng aking tiyo ngunit hindi siya makalapit dahil nasa sa likod ako ng tiyo ko at ako ay nakatitig sa kanya kaya't wala na siyang magawa kundi umalis.
Huwebes, Enero 16, 2014
Nais kong ikwento ang mga pangyayaring naganap ngayong araw na ito. Sisimulan ko ito noong ako ay gumising ng maaga dahil sa may gagawin akong takdang aralin sa Pahayag. Nang aking mabasa ang akdang "Metro Gwapo", sinimulan ko ng basahin ito ngunit nang mabasa ko ang una hanggang ikatlong kabanata, para bang ako ay inaatok lalo ngunit noong dumadating na ako sa pang apat na kabanata, bigla akong nabuhay sa sobrang tuwa dahil sa aking mga nabasa. Dahil sa iba pang salitang ginamit, para bang ako ang nasa kalagayan ng manunulat. Pagkatapos ko itong mabasa ay agad akong gumawa ng repleksyong papel dahil isa ito sa aming mga takda. Nang matapos ang aking repleksyong papel ay agad akong naligo, kumain nagsipilyo at nagbihis ng aking uniporme. Pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa pagpasok. Nagsimula na ang aming klase sa PAHAYAG at nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa nagpag aralan namin noong Lunes. Nang matapos ang pagsusulit, nagsimula ng ayusin ng Group 1 ang kanilang presentasyon ngunit nagkaroon ng konting diperensya kaya't naisipan ng aming guro na palabasin kami ng maaga..Nang biglang naalala ko ay magkakaroon kami ng inpromtu. Pagkatapos ay biglang dumating si Mam. Sulit at sinabi niya na ang third row ang unang magsasalita kaya't ako ay kinabahan. Pero kailangan naming gawin dahil sa grado. Kahit na ako ay kinakabahan sa pagsasagot ay binigay ko naman ang lahat. Kahit hanggang ngayn, hindi ko pa rin malimutan ang pangyayari.
Miyerkules, Enero 15, 2014
Nais kong ipahayag sa inyo ang nangyaring kaganapan ngayong araw na ito. Kaninang umaga ay sobrang lamig, halos ang sarap matulog kapag nakakaramdam ka ng sobrang kalamigan.. Para bang ayaw ko ng bumangon sa aking pagkakahiga ngunit kailangan dahil kailangan ko pang gawin ang aking takdang aralin sa Prinmar. Nang matapos ko itong gawin ay agad akong kumain ng umagahan,naligo at nagbihis na aking corpo attire. Ngunit naaalala ko ang mga nagdaang araw na kung saan puro kamalasan ang mga nangyari sa akin.. Dahil sa araw na ito, kailangan kong mag ingat dahil hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa kasalukuyan.
Martes, Enero 14, 2014
Ngayong ikaw 14 ng Enero, ito na yata ang pinakamalas kong araw sa buong buhay ko sa kadahilanang nakakailang beses na akong natatalapid at nawawala ang recipe na aming isang salad kaya libro ang dala dala namin sa Hot kitchen kanina. Ngunit may mas malala pa kaysa sa dalawang iyon, at iyon ay ang pagkawala ng aming resibo. Buti na lang ay saulo ko pa ang ibang presyo ng mga binili namin ngunit yung iba ay gagawan ko pa ng paraan. Kahit hanggang sa aking pag uwi galing eskwelahan ay may kamalasan pa rin ang sunod ng sunod sakin. Dahil nakaapak ako ng patay na pusa.. Hayy, Sana mawala na yung kamalasan kong iyon dahil ayaw ko ng maranasan ulit ang mga ganung pangyayari.
Lunes, Enero 13, 2014
Ngayon ika -13 ng Enero, ngayong araw na ito ang pinakahihintay namin sa kadahilanang ngayon kami mag pepresentasyon sa Oralcom ngunit bago ko umipasahan ang pagkwekwento tungkol dito. Nais kong ipahayag ang pinagaralan namin sa PAHAYAG. Dahil sa mga kamag aral ko nagpresinta akong magkwento sa sarili ko na hindi ko malilimutang kaganapan sa aking buhay. Pagkatapos ng aming PAHAYAG ay agad kaming nagtipon para mapaghandaan ang magaganap na presentasyon. Buong grupo ay binigay nila ang pinakamaganda at pinakamagaling na pag gawa ng presentasyon na iyon. At ang pinakahihintay ng lahat ay ang malaman ang kanilang grado.. At ang bunga ng aming paghihirap ay nakatanggap kami ng 100% dahil lahat ng pinaghirapan namin pag eensayo para mapalabas ito ng maayos ay nagkaroon ito ng magandang bunga.. Dahil hanggang ngayon, hindi ko pa rin malimutan ang mga sinaulo kong linya..
Linggo, Enero 12, 2014
Nais kong ipahayag sa inyo ang nangyari sakin ngayong araw na ito. Kinaumagahan, ang sarap ng tulog ko dahil sa sobrang lamig para bang tinatamad akong bumangon sa malambot kong kama ngunit naalipungatan ako ng biglang sumigaw ang lola ko ng "alas Otso na, Carlo gumising ka na dyan". Dali dali naman akong bumangon, naghilamos, kumain at naligo dahil ayaw ng lola ko ng kukupad kupad dahil ang gusto niya ay matapos ang mga gawain ng maaga. Pagkatapos, nanood na ako ng bagong episode ng paborito kong anime na "Kuroko No Basuke".
Sabado, Enero 11, 2014
Sobrang hangin naman ngayong taong ito. Parang tinalo ng Enero ang Disyembre. Kahit na naka jacket na ako, pakiramdam ko maginaw pa rin ngunit sinubukan kong mag kumot, wala pa ring epekto. Ngayong araw na ito, nagkaroon ng open house sa stellar at taal A at B sa kadahilanang magkakaroon na ng mga bagong estudyante ang FAITH.. Sana dumami ang Hoteliers. Kahit medyo pagod, sulit din naman dahil nakapag serve din naman ng pagkain sa mga guest kahit na sumasakit na ang likod ko.
Biyernes, Enero 10, 2014
Ngayong araw na ito, kailangan kong bumalik sa doktor dahil sa check up ko. Nang matapos ang pagpapalista ay agad kong kinuha ang aking X-ray ngunit sa kasamaang palad nalaman ko na may sakit pala akong scolsis na namana ko raw sa aking lolo. Nang malaman ko iyon, para akong lantang gulay na nakaupo. Dahil akala ko nung una ay baga lang ang sakit ko ngunit mayron din pala sa aking likod. Pero kailangan ko pa ring ipagpatuloy ang aking pag aaral at kailangan din mag ehersisyo para lubusang mawala ang aking sakit.
Huwebes, Enero 9, 2014
Ngayong araw na ito, nagkaroon kami ng isang aktibiti na kung saan isasaad namin ang aming mga plano kapag kami ay nakagradweyt na ng kolehiyo. At ng dahil sa walang mapili ang aking guro, ay sinubukan kong magboluntaryo para maipahayag ko ang mga nakalagay sa aking sulating papel. At ng mapakinggan ng mga kamag aral ko ang aking ipinahayag, ang iba sa kanila ay nagpalak palakan. At ng araw ring ito, nagkaroon kami ng seryosong paghahanda para sa aming presentasyon sa Lunes. At ng habang ako ay naglalakad pauwi sa aming tahanan, nakarinig ako ng paborito kong kanta at pinakinggan ko muna ito bago ko ipagpatuloy ang aking paglalakad.. At hanggang ngayon, hindi ko pa rin ito makalimutan at patuloy ko pa rin itong kinakanta.
Miyerkules, Enero 8, 2014
Ngayong araw na ito ang pinaka malas na nangyari sakin. Sa kadahilanang hindi ko mahanap hanap ang aking pantalon.. At higit sa lahat ay ang pagkasobrang bagal ng internet connection.. Hindi ko tuloy mapanood ang pinakapaborito kong palabas sa internet. Sayang lang ang paghihintay ng pag buff pero nakakaramdam rin ng sobrang kaantukan. Kailan ko kaya siya matatagpuan? Sana may dumating na tamang babae para sakin, yung hinding hindi ako sasaktan. Mabuti na lang nakachat ko na naman siya ngayon kaso saglit lang.. >.<
Martes, Enero 7, 2014
Ngayong araw na ito, bantang 8 ng umaga, ay pumasok ako ng maaga sa kadahilanang magkakaroon kami ng pageensayo para sa gagawin naming presentasyon sa aming subjek na OralCom.. Ang aming masipag na taga pamahala o lider ng group ay siyang umayos ng aming mga posisyon pagkatapos ay ittinuro niya ang mga hakbang para sa maayos na presentasyon.. Samakatuwid, kami ay tuwang tuwa dahil nagkaroon kami ng isang lider na kung saan, lahat ng problema ay ginagawan niya ng solusyon kahit na napapagod na siya ay tuloy pa rin ang aming pag eensayo..
Lunes, Enero 6, 2014
Ngayong ika anim ng Enero 2014, nakilala ko ang isang napakabait na guro na mag tuturo sa amin ng PAHAYAG ngayong araw na ito. Siya ay si Ms. Beverly Mendoza. Sinimulan niya ang kanyang pagtuturo sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw ng mga pinag aralan namin noong si Sir Aries ang pumalit. Ng araw na ito, nagkaroon ako ng napagandang araw dahil nasilayan ko na naman ang babaeng nagpahulog na loob ko. At ng araw na ito, ang aking mga kamag aral ay nagyayang maglaro ng basketball. Dahil sa paglalarong iyon ay nahiligan ko na ulit maglaro. Kahit minsan ay mapagpawisan ako, natutuwa ako dahil nakapag laro ulit kami ng sama sama at hindi nakakaiwanan magkakaibigan.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)