Lunes, Enero 6, 2014


        Ngayong ika anim ng Enero 2014, nakilala ko ang isang napakabait na guro na mag tuturo sa amin ng PAHAYAG ngayong araw na ito. Siya ay si Ms. Beverly Mendoza. Sinimulan niya ang kanyang pagtuturo sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw ng mga pinag aralan namin noong si Sir Aries ang pumalit. Ng araw na ito, nagkaroon ako ng  napagandang araw dahil nasilayan ko na naman ang babaeng nagpahulog na loob ko. At ng araw na ito, ang aking mga kamag aral ay nagyayang maglaro ng basketball. Dahil sa paglalarong iyon ay nahiligan ko na ulit maglaro. Kahit minsan ay mapagpawisan ako, natutuwa ako dahil nakapag laro ulit kami ng sama sama at hindi nakakaiwanan magkakaibigan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento