Huwebes, Enero 16, 2014

      Nais kong ikwento ang mga pangyayaring naganap ngayong araw na ito. Sisimulan ko ito noong ako ay gumising ng maaga dahil sa may gagawin akong takdang aralin sa Pahayag. Nang aking mabasa ang akdang "Metro Gwapo", sinimulan ko ng basahin ito ngunit nang mabasa ko ang una hanggang ikatlong kabanata, para bang ako ay inaatok lalo ngunit noong dumadating na ako sa pang apat na kabanata, bigla akong nabuhay sa sobrang tuwa dahil sa aking mga nabasa. Dahil sa iba pang salitang ginamit, para bang ako ang nasa kalagayan ng manunulat. Pagkatapos ko itong mabasa ay agad akong gumawa ng repleksyong papel dahil isa ito sa aming mga takda. Nang matapos ang aking repleksyong papel ay agad akong naligo, kumain nagsipilyo at nagbihis ng aking uniporme. Pagkatapos ay dumiretso na agad ako sa pagpasok. Nagsimula na ang aming klase sa PAHAYAG at nagkaroon kami ng pagsusulit tungkol sa nagpag aralan namin noong Lunes. Nang matapos ang pagsusulit, nagsimula ng ayusin ng Group 1 ang kanilang presentasyon ngunit nagkaroon ng konting diperensya kaya't naisipan ng aming guro na palabasin kami ng maaga..Nang biglang naalala ko ay magkakaroon kami ng inpromtu. Pagkatapos  ay biglang dumating si Mam. Sulit at sinabi niya na ang third row ang unang magsasalita kaya't ako ay kinabahan. Pero kailangan naming gawin dahil sa grado. Kahit na ako ay kinakabahan sa pagsasagot ay binigay ko naman ang lahat. Kahit hanggang ngayn, hindi ko pa rin malimutan ang pangyayari.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento