Sabado, Enero 25, 2014

     Akala ko ngayong araw na ito ay isang masamang araw para sakin ngunit kabaliktaran pala ang nangyari. Dahil akala ko nung una ay titikim pa rin kami ng mga alak na matatapang ngunit ang naging topic kanina ay tungkol sa pag mimix ng iba't ibang klase ng alak. Bago nagsimula ang aming klase sa hrmbar ay nagkaroon kami ng maikling pagsusulit kaso mababa ang nakuha kong puntos kaya naman sinabi ko sa sarili ko na babawi na lang ako sa mga aktibidades na ibibigay sa amin. Nang matapos ang aming pag didiscuss ay pinalabas kami ng maaga para mag tanghalian dahil may gagawin kaming lab base sa aming napag aralan kanina. Ngunit ng ginawa na namin ang mga recipe ay para bang nasarapan ako sa aming huling ininom at ang tawag doon ay ang tequila sunrise.. Akala ko nung una matapang un pero ng una kong tinikman ay agad akong uminom ulit dahil parang cherry ang lasa. Nang matapos ang lahat ay nag yayang nagbadminton si Mam ngunit pinulikat agad si Mam.  Ito na yata ang pinakamasayang araw para sakin.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento