Biyernes, Enero 31, 2014

Ngayong araw na ito ang pinakamasakit na nangyari sa aking buhay dahil kinaumagahan ay hindi ko maimulat ang aking mata dahil sa sakit ng akong malaking kilitiw sa kaliwang bahagi ng aking mata..  Akala ko magaling na ito ngunit binigyan ako ng aking lola ng isang herbal na gamot para ilagay dito at naging maganda naman ang kinahinatnan dahil pagdating ng hapon ay unting unti naalis ang sakit ngunit paga pa rin ang kanyang itsura kaya naman ay dadaanin na lamang sa dasal upang malagpasan ko ang sakit na ito.. Pasensya na kung masyadong maikli ang aking paglalarawan sa araw na ito sa kadahilanang hindi ako makatagal sa pagtitig dahil medyo masakit pa rin ito..

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento