Lunes, Enero 27, 2014

     Ngayong araw na ito,  bentang benta ngayon ang pagkabugbog ni Idol Vhong Navarro. Sa lahat ng channels ay siya ang laman, kung ano ang mga pangyayaring naganap bago at matapos siyang mabugbog. Habang ako ay papasok sa aking pinakamamahal na paaralan, puro Vhong Navarro ang nasa bibig ng aking katabi. Ngunit hindi na ako nakiisyoso dahil malalaman din naman nila ang katotohanan. Nang ako ay dumating na ang aking mga kamag aral ay naghihintay sa harap ng cyberhub. Pagkatapos noon ay agad kaming pumasok sa cold kitchen dahil malapit nang nagsimula ang aming klase sa pahayag. Nang dumating ang aking guro, naghanda na agad ang pangatling magrereport sa unahan at kailangang maghanda sapagkat alam naming nagkakaroon ng maikling pagsusulit. Ngunit mali ang aking pananaw. Nagsagawa si Mam ng mga kailangang dugtungang mga pangungusap at gamitan ng mga karaniwang salita. Nang matapos iyon ay agad kaming umakyat para sa aming susunod na klase. Mga lampas ng labing limang segundo ay wala pa rin ang aming guro kaya't naisipan naming gumawa ng attendance ngunit biglang dumating ang aming guro kaya't napatawa kami. May pinanood sa amin at kailangang gumawa kami ng mga outline base sa mga topic.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento